Sa bawat yugto ng aming buhay
May guro kaming laging kasama
Sa elementarya, ikaw ang unang nagturo,
Mga leksyon ng buhay, aming natutunan
Sa mga hugis at kulay, sa abakada't sayaw,
Iyong binuksan ang aming natutunan
Sa simpleng pangarap, pag-asa'y iyong tinanim
Ang pagmamahal sa pag-aral, hindi nawala.
Nang kami'y lumipat sa hayskul, guro,
Ikaw parin ang aming kasama
Sa bagong mundo, muling hinubog ang isip,
Dahil sa'yo, kinilala ang sarili, walang bahid dilim.
Sa bawat pagkukulang, ikaw ang nagturo,
Na maging mas matatag, maging tapat sa puso,
Sa bawat pag-unlad, sa kabila ng pasakit,
Sa amin kang naging ilaw, buong-buong pagpupuri.
Ngayon, sa Senior High, kami'y napaparangal
Sa'yo, guro naming di-mabilang ang kahalagaan.
Sa mga aral at araling hindi malilimutan,
sayo, guro naming diwa'y palaging nagigising
No comments:
Post a Comment